Nagsimulang dumating ang kaligtasan sa aming pamilya sa pamamagitan ng aking asawa na si Randy.
Noong siya’y nagtatrabaho sa barko ay may naging mga katrabaho at kaibigan siya na mga Christians. Ang iba ay mga officers pa nga. Dumalo siya sa kanilang Bible study at mga prayer time at dun nagsimula na hinanap niya ang Panginoon. Di nagtagal ay nag surrender sya ng kanyang buhay sa Panginoong Jesus bilang kanyang Panginoon at Tagapagligtas.
Nang siya ay nagkaroon ng pagkakataon na makauwi sa Pilipinas, nakita ko ang pagbabago sa buhay niya. Doon ko nalaman na isa na pala siyang Christian. Sinabihan nya ako na maghahanap kami ng Christian church na pwede naming daluhan at dinala naman kami ni Lord sa LWCF (Living Word Christian Fellowship (dating pangalan ng OBOLCF).
Noong minsan na kami ay nagpunta sa church, nadatnan naming na nagtuturo ng Sunday School si Ptr. Ed Canonigo. We joined the Sunday School class at pagkatapos ay kinausap kami ng Pastor at ipinaliwanag nya ang katotohanan na si Cristo lamang ang daan ang katotohanan at buhay. Noong araw din na yun ay nagdecide ako na isuko sa kanya ang aking buhay at tatanggapin si Jesus bilang tagapagligtas. Sumunod ako sa panalangin ng paghingi ng tawad, pagsisisi, at pagtanggap kay Jesus hanggang sa nakita ko ang sarili ko na fully surrendered kay Lord at handa akong sumunod sa Kanya.
Ginamit ng Dios ang aking asawa para makilala ko si Jesus. Kahit sa aming mga anak ay ibinalita din namin itong Good News na kung tatangapin ng isang tao si Jesus ay maliligtas siya, at ang kanyang buong sambahayan,
Sa ngaun ako ay naglilingkod sa Panginoon dito sa OBOLCF Dagupan, at iniaalay ko ang buhay ko para sa kanya ng may katapatan. Ako ay masaya at puno ng pagpapala dahil isa ako sa pinili ako ni Jesus na maging anak Nya. Patuloy akong magtitiwala na sa Kanya habang ako ay nabubuhay. Purihin ang ngalan ng ating Panginoon.