"Children Have Soft Hearts"

I grew up in Sunday School, bata pa lang ay shi-nare na sa akin ng tita ko Norilyn kung ano ang Gospel at paano ko tatanggapin ang biyayang ito galling sa Panginoon.  At dahil laki ako sa church at Sunday School at nag-aaral sa Christian School, dala ko palagi ang Christian Values na itinuro sa akin, but I remember I was probably 8 or 9 yrs old na nagkaroon ng mission activity ang MCCF church na ina-attendan naming, may film showing sa isang barangay about Jesus at habang ako’y nanood mas nauunawaan ko kung ano nga ba ang tinatawag na Salvation. Right at the moment I prayed and asked God to be my Lord and Savior. 

When I entered High School, na-expose ako sa maraming maka-mundong gawain, naging pasaway ako sa mama ko, na-barkada at natutong mag skip ng classes, pero deep in my heart alam kong mali iyon. Marami ring pagsubok ang dumating sa buhay ko na minsan akala ko wala ng pag-asa at gusto kong sumuko na lang, ngunit ang biyaya at katapatan ng Diyos ay laging nariyan. 

Right now, bilang isa ng asawa at ina. I always remind my family of How faithful our God is, I share the gospel with my children at patuloy akong naglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng paggamit ng ibinigay niyang talent sa akin. Purihin ang Panginoon!