Ako ay lumaking laman ng simbahan. Lahat ng okasyon ay dinadala ako ng aking lolo at lola (father’s side). Dahil sa hilig sa pag kanta ng aking pamilya’y naging miyembro kami sa choir ng simbahan. Every Sunday ay present kami. Importante na maka attend ng mass na sama-sama lalo na’t nandoon ang aking lolo at lola. Ganito ang naging buhay ko noon.
Isang araw, in-invite kami ng aking lolo (mother’s side) sa kanilang “prayer meeting”. Ngunit, dahil nga sa ako’y isang panatiko, hindi ako sumama sakanila. Ilang beses rin na ako ay in-encourage ng aking lolo na sumama at subukan lang making ng Salita ng Panginoon. Naririnig ko pa na kasama ako sa kanilang prayer request na sana ay makakilala rin ako sa Panginoon. Wala lang ito sa akin noon. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nila roon dahil ang alam ko’y kilala ko na si Hesus. Mali pala ako.
Sa biyaya ng Dios ay nagbunga ang kanilang panalangin at encouragement sa akin. Ako’y umattend sa kanilang Wednesday Prayer Meeting na ginanap sa kanilang church sa Tarlac. Nang mag umpisa nang magpreach ang Pastor patungkol sa salvation, ang linaw sa akin at naintindihan ko ang lahat. Nag ‘altar call’ ang Pastor at pumunta ako sa harap. Noong araw na iyon, October 28, 1980, tinanggap ko po ang Panginoong Hesus sa aking puso bilang Panginoon at sariling Tagapag-ligtas. Naging instrument ang aking lolo at uncle upang ako’y maligtas sa kapahamakan.
After kong tumanggap sa Panginoon ay nag iba ang takbo ng aking buhay. Tuwing bakasyon ay umuuwi ako sa aking uncle na Pastor sa Olongapo upang ma-involve sa ministry nila doon. Kung dati ay hirap na hirap silang i-invite ako sa prayer meeting, ngayon ay ako na mismo ang sumasama sakanila. Nag-join din ako ng bible studies, children outreach ministry, choir, youth fellowship at marami pang ibang activities na nakapag palago ng aking pananampalataya. Hanggang sa ako’y sumunod sa panawagan ng Panginoon at pumasok sa Bible School (BBIP, Quezon City). Doon ko nakilala ang aking kabiyak at kami’y biniyayaan ng tatlong anak na babae. Na-assign sa iba’t-ibang lugar at ngayo’y nakarating kami dito sa Dagupan. Maraming pag subok at problema ang dumaraan ngunit salamat sa pangako ng Panginoon na hindi Niya tayo iiwan o pababayaan man.
Ako ay nag papasalamat sa Panginoon dahil dinala Niya kami dito sa Dagupan at naging parte sa ministries ng OBOLCF. Salamat sa kagalakan ng puso na ako’y nakapaglilingkod sa Panginoon. Purihin ang ating Panginoon!